Home NATIONWIDE P60M lotto jackpots mailap

P60M lotto jackpots mailap

Walang nakakuha ng jackpot sa mga major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Miyerkules, Enero 29, 2025.

Ang Grand Lotto 6/55 jackpot na nagkakahalaga ng P37,358,785.80 ay nanatiling hindi napapanalunan matapos walang nakahula sa winning numbers 48-29-27-43-17-30.

Gayundin, walang nanalo sa P23,213,925.60 Megalotto 6/45 draw matapos walang nakahula sa numerong 32-24-35-03-39-45. RNT