Home METRO P7.6M marijuana winasak sa Kalinga

P7.6M marijuana winasak sa Kalinga

1
0

KALINGA, Philippines – Nagkakahalaga ng P7,680,000.00 ang mga fully grown na  marijuana plants na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa nadiskubre nilang taniman ng marijuana sa Brgy. Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga, kahapon, July 17.

Nadiskubre ang humigit-kumulang sa 3,200 square meters na taniman ng marijuana matapos magsagawa  ang mga awtoridad ng dalawang araw  (July 16 at 17) na marijuana eradication operation sa naturang lugar.

Ang operating units ay binubuo ng PDEA CAR, PNP Special Action Force (SAF); 111SAC at 11SAB; PNP Drug Enforcement Group (DEG); SOU-CAR;  Kalinga Police Provincial Office (PPO); DEU; Tinglayan Municipal Police Station; RIU 14-PIT Kalinga, at BJMP Kalinga District.

Nasa 38,400 na fully grown marijuana plants ang winasak ng mga awtoridad.

Walang nahuling marijuana cultivator ang mga awtoridad mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here