Home HOME BANNER STORY P7,000 gratuity pay sa kontraktwal, JO workers inaprubahan ng gobyerno

P7,000 gratuity pay sa kontraktwal, JO workers inaprubahan ng gobyerno

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtaas o karagdagang sa gratuity pay para sa Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa gobyerno.

Dahil dito, makatatanggap ang mga ito ng hanggang P7,000.

Ang pagtaas o dagdag ay magiging epektibo “not earlier than December 15.”

Sa apat na pahinang Administrative Order 28 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, sinabi ni Pangulong Marcos na ang JOs at COS employees na nakapagsilbi ng kabuuan o pinagsamang hindi bababa sa apat na buwan ng actual satisfactory service performance ‘as of December 15’ ay may karapatan sa gratuity pay mula P5,000 hanggangP7,000.

“Granting a year-end gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work and valuable participation in the implementation of various PAPs of the government, and their pivotal role in the delivery of government services amidst the present socio-economic challenges,”ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ang PAPs ay tumutukoy sa mga programa, aktibidad at mga proyekto.

Ang mga manggagawa na ang kontrata ay nananatiling epektibo ‘as of the same date’ ay karapat-dapat na tumanggap ng gratuity pay.

Taong 2021, itinaas ni Pangulong Marcos ang gratuity pay para sa COS at JO workers, itinaas ito sa P5,000 mula sa P3,000.

Ang mag empleyado na nagsilbi ng mas mababa sa apat na buwan ng satisfactory service ‘as of December 15’ ay puwede pang makatanggap ng FY 2024 Gratuity Pay sa isang pro-rata basis.

Ang COS/JO workers na may tatlong buwan, ngunit mas mababa sa tatlong buwan ng serbisyo ay puwede ring makatanggap ng gratuity pay na hindi hihigit sa P6,000 habang iyong mayroong dalawang buwan, subalit hindi lalagpas ng tatlong buwan ng serbisyo ay maaari namang makatanggap ng gratuity pay ng hindi hihigit sa P5,000.

Ang mga manggagawa na nakapagsilbi naman ng mas mababa sa dalawang buwan ay puwede ring makatanggap ng gratuity pay ng hindi hihigit sa P4,000.

Samantala, ang AO 28 ay kagyat na magiging epektibo kasunod ng kompletong publikasyon sa Official Gazette, o sa pahayagan na may general circulation. Kris Jose