Home NATIONWIDE Tobacco tax rate muling i-calibrate – ekonomista

Tobacco tax rate muling i-calibrate – ekonomista

PINAYUHAN ng isang international economist ang gobyerno ng Pilipinas na muling i-calibrate ang tobacco excise tax rate, na maaaring umabot sa puntong mapalakas pa ang paglaganap ng ilegal na pagbebenta at pagkalugi sa koleksyon ng kita.

Sinabi ni Dr. Arthur Laffer, dating miyembro ng President Ronald Reagan’s Economic Policy Advisory Board at founder at chairman ng Laffer Associates, isang economic research at consulting firm na bumagsak ang koleksyon ng kita kasabay ng karagdagang pagtaas ng tax rate na lampas sa ‘ revenue-maximizing level’ at mas naging problema ang ilegal na pagbebenta.

Sinabi ni Laffer na “the ideal taxation system is one that raises the necessary revenues in the least damaging fashion possible.”
Aniya pa, sa kaso ng tobacco excise taxes, “the mechanism that has resulted in continuous annual tax rate increases in order to achieve continuous revenue growth has clearly taken tax rates too high and has failed to generate the anticipated revenue.”

Makikita sa data na ang koleksyon ng tobacco excise tax sa Pilipinas ay bumaba mula sa pinakamataas na koleksyon noong 2021 na P176 billion na naging P160B noong 2022 atP135B noong 2023.

“During the same period, illicit cigarette trade incidence worsened from 13.6 percent in 2021 to 15.2 percent in 2022. In 2023, illicit trade incidence was recorded at 19.6 percent,” ayon sa Euromonitor.

Winika pa ni Laffer na ang isyu ng ‘ affordability’ na dala ng taunang excise tax increase ay nagresulta sa mga consumers na bumili ng ‘cheap, non-taxed tobacco products.

Sinabi pa niya na habang ang Pilipinas ay may, “in general, done a very good job of reforming its system of tobacco taxation from a complicated multi-tiered system to a simple structure with uniform tax levels for all cigarettes,” ang tobacco excise tax rate ay umabot na sa “prohibitive range,” bilang ebidensiya ng pagbaba ng government revenue.

Si Laffer, ang lumikha ng Laffer Curve, na naglalarawan ng relasyon sa pagitan ng tax rates at government revenue, nanawagan para sa isang tax system na magpapataas ng kinakailangang kita habang pinaliliit ang pinsala sa ekonomiya.
“Tax revenues increase with increasing tax rates until a revenue-maximizing point is reached, after which further increases in tax rates result in declining tax revenue,” ang sinabi ni Laffer.

Natuklasan din ni Laffer na “the Philippines has pushed tobacco tax rates past the point of revenue maximization on the Laffer Curve,” at ang anumang karagdagang pagtaas sa tax rate sa panahon ngayon ay malamang na magresulta ng karagdagang pagbaba ng kita at pagtaas sa ilegal na pagbebenta.

Sinabi pa niya na ang paglaganap ng ilegal na kalakalan ay impluwensiya ng mataas na tax rates na sinamahan pa ng “low affordability at probability of enforcement.”

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Laffer ang diskarte ng Pilipinas sa pagbubuwis sa novel tobacco at nicotine products subalit hinikayat ang pamahalaan na gawing simple ang tax structure para sa e-cigarettes nito.

“Unlike other tobacco and nicotine products, e-cigarettes are taxed under a two-tiered system in the Philippines, which is leading to significant enforcement issues. Reforming e-cigarette taxation into a simplified uniform rate — as has been done for other tobacco and nicotine products — should be an immediate priority,” aniya pa rin.

Tinuran pa rin ni Laffer na dapat na kasama sa ibang dapat na ikonsidera ang gawing simple at i- rationalize ang regulasyon para sa capital markets at ang fiscal regime na nakapalibot sa mining sector. Kris Jose