Home NATIONWIDE Pabahay sa mga Pinoy tututukan ni Villar

Pabahay sa mga Pinoy tututukan ni Villar

MANILA, Philippines – Nangako si Camille Villar na tutukan ang pagtulong sa mga Pilipino upang makamit ang sariling tahanan at magkaroon ng maayos na kabuhayan kung siya ay mahalal bilang senador ngayong taon.

Sa isang proklamasyon rally sa Laoag, binigyang-diin ni Villar na pangarap ng bawat pamilyang Pilipino ang magkaroon ng ligtas at maayos na tahanan at matatag na hanapbuhay o kabuhayan. Nangako siyang isusulong ang mga programang pangpabahay at pangkabuhayan upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Bilang isang negosyante at mambabatas, pinapahalagahan ni Villar ang mga aral na itinuro ng kanyang mga magulang, dating Senate President Manny Villar at Senador Cynthia Villar, tungkol sa sipag at tiyaga.

Ipinangako rin niya na magtutulak ng mga industriya na lumilikha ng maraming trabaho, tulad ng konstruksyon, imprastraktura, at turismo, upang maparami ang oportunidad sa hanapbuhay.

Sa isang press conference sa Laoag, ipinahayag ni Villar ang suporta niya sa adhikain ni Pangulong Marcos para sa sambayanang Pilipino. Sumali siya sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang maisulong ang mga programang tumutugma sa pangarap ng administrasyon.

Binigyang-diin ni Villar na ang pagsisimula ng kampanya sa Ilocos Norte, bayan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay may malaking kahulugan. Pinagtibay niya ang pangako na magtataguyod ng mga programa na makikinabang ang lahat ng Pilipino sa ilalim ng plataporma ng alyansa. RNT