Home NATIONWIDE Cambodia pinasalamatan ni PBBM sa royal pardon sa 13 Pinoy surrogates

Cambodia pinasalamatan ni PBBM sa royal pardon sa 13 Pinoy surrogates

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Cambodian King Norodom Sihamoni para sa pagkakaloob ng royal pardon sa 13 kababaihang filipina na nahatulan para sa illegal surrogacy sa Cambodia.

Sa isinagawang bilateral meeting ng Pangulo kasama si Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang, nagpahayag ng labis na tuwa si Pangulong Marcos dahil nakabalik na ng Pilipinas ang mga Filipino surrogate matapos pagkalooban ang mga ito ng royal pardon habang nanananatili pa sila sa Cambodia.

“We will never forget this act of magnanimity from His Majesty, a testament to the strong relations between our two countries,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Rest assured we will continue to stand with you in the fight against transnational crimes and their adverse effects on our peoples and on our communities,” dagdag na wika nito.

Kung matatatandaan, nahatulan ng human trafficking ang 13 Pinay na ito dahil sa tangkang pagbEbenta ng kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng surrogacy, na ipinagbabawal sa Cambodia.

“Once again express my gratitude to His Majesty King Norodom Sihamoni for the grant of Royal Pardon to 13 Filipino surrogates, and to your government for the assistance given to them during their time in Cambodia.” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose