Home TOP STORIES Pacquiao nagbabala sa panghihimasok ng banyaga sa Eleksyon 2025

Pacquiao nagbabala sa panghihimasok ng banyaga sa Eleksyon 2025

0
Pacquiao nagbabala sa panghihimasok ng banyaga sa Eleksyon 2025

DAGUPAN, PANGASINAN – Nagpahayag ng matinding pag-aalala si dating Senador Manny Pacquiao, na tumatakbo sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, hinggil sa umano’y panghihimasok ng dayuhan sa nalalapit na halalan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbabantay sa soberanya ng bansa at nanawagan sa mga Pilipino na maging mapagmatyag. Aniya, hindi dapat hinahayaan na ang kinabukasan ng bansa ay idikta ng mga banyaga.

Inihalintulad niya ang kasalukuyang sitwasyon sa isang bagong laban—hindi lang para sa mga teritoryo tulad ng West Philippine Sea kundi para sa kalayaan ng bansa mula sa panlabas na impluwensiya. Nanawagan si Pacquiao ng pagkakaisa para sa layuning ito.

Ang pahayag ay kasunod ng mga isyung may kinalaman sa posibleng pakikialam ng China sa pulitika ng Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here