Home OPINION PAG-IBIG FUND, NAGLAAN NG MURANG HOUSING LOAN SA MGA BIKTIMA NG MGA...

PAG-IBIG FUND, NAGLAAN NG MURANG HOUSING LOAN SA MGA BIKTIMA NG MGA BAGYO, LINDOL

394
0

NAG-ANUNSYO ang Pag-IBIG Fund na naka­handa ang ahensya tugunan ang pangangailangan ng mga miyembro sa panahong sila ang higit na nangangailangan.

Ipinunto naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Ma­rilene Acosta na may naka­paloob nang insurance covera­ge ang kanilang housing loan na maaaring makatulong sa pagpopondo sa pag-aayos ng mga nasirang bahay.

Sakop ng isang-buwang pay­­ment moratorium ang mga housing loan borrower sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Nando, Opong, Ramil, Tino, at Uwan, gayundin ng malalakas na lindol sa Cebu at Davao.

Ayon pa kay CEO Acosta, alam ng Pag-IBIG Fund na sa oras ng kalamidad, kailangang-kailangan ng kanilang mga miyembro ang agarang tulong. Kaya’t tiniyak nila na madali nilang makukuha ang insurance benefits at maipagpapaliban muna ang kanilang monthly dues upang mas mauna nilang maisalba ang kaligtasan at pangangailangan ng kanilang pamilya.

Dagdag pa niya, maaaring mag-apply online ang mga miyembro sa pamamagitan ng Vir­tual Pag-IBIG, para hindi na pumila o bumiyahe sa gitna ng matinding pinsala sa komunidad.

Maliban sa insurance at mo­ratorium, muling pinapaigting ng Pag-IBIG Fund ang iba pang programang makatutulong sa gastusin sa pagbangon:

– Pag-IBIG Calamity Loan

– Para sa mga lugar na nasa state of calamity;

– Maaaring umutang ng hang­gang 90 porsyento ng total Pag-IBIG Regular Savings;

– 5.95 percent interest per year na pinakamababa sa kaparehong programa sa bansa;

– Payable sa loob ng 3 taon; at

– May automatic 3-month gra­ce period bago ang unang hulog

– Pag-IBIG Home Improvement Loan

– Para sa pagkukumpuni o pagpapaganda ng bahay;

– Maaaring umutang ng hanggang Php 300,000;

– Payable sa loob ng 5 taon; at

– May promo interest rate na 3 percent per annum para sa unang 10,000 borrowers

Para mas mapagaan ang proseso ng pagbangon, inanunsyo rin ng Pag-IBIG Fund ang mga sumusunod na dagdag na hakbang:

– Fast-track processing para sa mga insurance claims sa mga high-priority area;

– Dedicated calamity assistance centers sa piling Pag-IBIG branches;

– Simplified documentary requirements para sa mga nawalan ng mga importanteng papeles dahil sa baha o pagguho;

– Expanded on-site assessment teams para mas mabilis ma-verify ang damage reports; at

– Hotline and chat support upgrades upang mas mataas ang response rate sa mga apektadong miyembro.

Dagdag pa ni Acosta, alam ng Pag-IBIG Fund na ang pagba­ngon mula sa kalamidad ay hindi natatapos sa loob lamang ng ilang Linggo.

Kaya naman ibinibigay ng ahensya ang lahat ng posibleng paraan, mula sa moratorium at insurance, hanggang sa cala­mity at home improvement loans, upang masigurong may matibay na sandigan ang kanilang mga miyembro.

Sa kabuuan, nananatiling la­­yunin ng Pag-IBIG Fund na ga­wing mas mabilis, mas madali, at mas abot-kaya ang pagba­ngon ng bawat pamilyang Filipino mu­la sa sakuna.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here