MANILA, Philippines- Muli nang binuksan sa publiko ang Planetarium ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Quezon City matapos sumailalim sa pagsasaayos.
“The renovated planetarium will continue to offer educational and entertaining shows about basic astronomy and the night sky,” pahayag ng PAGASA nitong Biyernes.
Alok sa 90-seater planetarium ang lectures sa astronomy at celestial navigation sa mga estudyante at sa publiko.
Ang planetarium ay may entrance fee na P25 kada indibidwal at bukas tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Pinangangasiwaan din ng PAGASA ang nag-iisang planetarium sa Mindanao, matatagpuan sa Misamis Oriental. RNT/SA