MANILA, Philippines- Mayroong 59% tiyansa na tumagal ang La Niña conditions hanggang Abril at inaasahan din ang mahihina at maiiksing bagyo na tatama sa mga susunod na buwan, ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Huwebes.
Sa Pilipinas at sa Western Pacific, nagdudulot ang La Niña ng init sa mga karagatan na nagreresulta sa above normal rainfall.
Ayon sa ulat, nakaaapekto ang shear line sa eastern portion ng southern Luzon.
Samantala, umiiral naman ang Northeast Monsoon o Amihan sa central at northern Luzon. RNT/SA