MANILA, Philippines- Inatasan ni Marikina at House Committee on Appropriations Acting Chairman Rep. Stella Quimbo ang has Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pag-aralan at ikonsidera ang panukala ni House Speaker Martin Romualdez na magkaroon ng isang moratorium sa premium collections ng ahensya sa harap ng sobra nitong pondo.
“Panawagan nga ito ni Speaker, pwede namang mag moratorium dahil sa totoo lang ang dami pang natitira na pondo,” paliwanag ni Quimbo.
Giit ni Quimbo, ang PhilHealth ay isang social health insurance program at hindi ito dapat nagge-generate ng kita bagkus ang pondo ay dapat para sa mga miyembro.
Sinabi ni PhilHealth Senior Vice President Israel Pargas na noong nakaraang taon ay nasa P195 billion direct premiums ang nakolekta ng PhilHealth.
Giit ni Quimbo, ang PhilHealth financial standing ay nanatiling malakas.
“Ibig sabihin kahit na po walang subsidy ngayong taon ay kayang-kaya. Hindi lang po kayang-kaya kundi kayang-kaya,”ani Quimbo.
Inatasan din ni Quimbo ang PhilHealth na magkaroon ng malinaw na plano para sa paggasta ng pondo at matiyak na maibigay ito sa mga miyembro. Gail Mendoza