Home ENTERTAINMENT Lee, nag-video message sa anak, na-bash!

Lee, nag-video message sa anak, na-bash!

Manila, Philippines- Sa pamamagitan ng video message, dito ipinahatid ni Lee O Brian ang kanyang birthday message sa anak nila ni Pokwang na si Malia.

Dito ay inilarawan ni Lee kung gaano niya kamahal ang anak na kahit magkahiwalay sila ay ito raw ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay, 7 years ago.

Samu’t-sari naman ng mga naging reaksyon ng netizens. Pero may mga bashers na hindi natiis ni Pokwang na patulan.

Kabilang na riyan ang isang nag-comment na naintindihan raw nito ang side ni Pokwang pero pinupuri nito si Lee na kahit batiin lamang muli ang anak ay ginagawa nito. Pasalamat daw si Pokwang ay hindi ito blinock ng dating karelasyon.

Ang sagot sa kanya ng komedyana, “Sip sep uten spotted!!! Enabler ng mga inutil! Bwahahaahaa kawawa!”

May isa pang nagkumpara kay Pokwang kay Ruffa Gutierrez: “Si Rufa ‘nung iniwan niya si Bektas, walang sustento sa mga anak, napalaking maayos ni Rufa mga anak pero hindi siniraan ni Rufa sa mga anak ang ama nila. Ngayon nasa tamang edad mga anak sila na naghanap sa ama nila. Nasa pagpapalaki ng magulang kung ang isang anak magtatanim ng galit sa ama.”

Ang sagot sa kanya ng aktres, “Excuse me inday hindi ko siya siniraan sa anak niya! Siya ang sumira sa sarili niya and si Ruffa at ako tayong lahat magkakaiba wag kang feeling alam lahat kaloka ka!”

May kumampi naman kay Pokwang at naniniwalang “for content purposes only” ang ibinandera ni Lee.

Saad ng netizen, “Nag-throwback siya kung gano siya kasaya ng pinanganak si Malia?? Samantalang nagalit nga siya kay mamang nang nabuntis siya kay Malia.

“Sorry ha pero parang content lang bati nyan, just saying.

“Anyway happy birthday baby Malia, enjoy your day with your mom.”

Ani Pokwang, “Sa awiting….. meow meow meow meow….”

Kung matatandaan, taong 2021 nang makipaghiwalay si Pokwang sa dating partner na si Lee. Abril nu’ng nakaraang taon ay nanalo sa deportation case ang komedyana na sinampa niya sa Bureau of Immigration. Rommel Placente