Home NATIONWIDE Pagbabago sa visa, immig policies sa US, ibinabala ng PH embassy

Pagbabago sa visa, immig policies sa US, ibinabala ng PH embassy

1
0

WASHINGTON, USA – Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Washington, D.C. sa mga Pilipino sa United States na manatiling updated sa mga pagbabago sa US immigration at visa policies at tiyaking sumusunod sa mga umiiral na batas.

Sa advisory nitong Agosto 26, sinabi ng Embahada na ayon sa mga ulat, sinimulan na ng US Department of State ang pagsusuri sa ilang B1/B2 business at tourist visas na ibinigay sa mga dayuhang kalaunan ay nag-apply ng asylum sa US.

Inaasahan din umano na ang pagbawi ng ilang visa ay isasagawa nang sunod-sunod o “on a rolling basis.”

Hindi sinabi ng Embahada kung ilang Pilipino ang maaaring maapektuhan. Binigyang-diin nito na ang bawat immigration case ay pinagpapasyahan ng mga awtoridad ng US batay sa indibidwal na sitwasyon ng bawat tao.

Pinayuhan ng Embahada ang mga Pilipinong may mga alalahanin tungkol sa kanilang immigration status na kumonsulta sa isang qualified US immigration attorney o accredited legal service provider upang makakuha ng tamang payo para sa kanilang partikular na kaso.

Hinimok din ang Filipino community sa US na patuloy na alamin ang mga pagbabago sa immigration policies at sumunod sa mga batas ng bansa.

Muling ipinaalala ng Embahada na ang mga immigration case ay pinagpapasyahan ng naaangkop na US authorities batay sa mga pangyayari sa bawat kaso.

Para sa emergency consular assistance at Assistance-to-Nationals (ATN) concerns, maaaring makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa Philippine Embassy sa Washington, D.C. sa pamamagitan ng kanilang designated emergency hotlines o email. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here