MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Bureau of Corrections (BuCor) at University of the Philippines sa pagkakaloob sa bawat isa ng lupain sa Laguna at Palawan.
Sa nilagdaan na kasunduan, tinawag ito ng BuCor na makabuluhan na “land exchange agreement” na hudyat ng bagong panahon ng maayos na paggamit ng lupain at pagpapalawak ng educational opportunities.
Sa ilalim ng reciprocal arrangement, magkakaroon ng access sa 500 ektarya ang Bucor sa Laguna-Quezon land ng BuCor sa itatayong Regional Prison Facility (RPF) sa Laguna.
Kapalit nito, makakatangap ang UP ng 500 ektarya ng lupa sa Iwahig, Puerto Princesa City.
Ang pagtatayo ng regional prison facility ay bilang paghahanda sa pagsasara ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City sa 2028.
Sinabi ni Bucor Director Gregorio Catapang Jr., ang naturang kadunduan ang magsisilbing modelo para sa mga susunod na kolaborasyon para mapaigting ang serbisyo publiko at educational initiatives sa buong bansa.
Nakipag-partner din ang BuCor sa UP para mapabilis ang access ng mga tauhan ng BuCor maging ang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nais mag-aral sa UP- Open University (UPOU).
Ang UP Alumni Association ang makikipag-ugnayan sa UPOU at BuCor kaugnay sa informational materials, mga katanungan ng PDLs, at enrollment. RNT