Home NATIONWIDE Pagbalik ni Teves sa Pilipinas, matatagalan pa – Topacio

Pagbalik ni Teves sa Pilipinas, matatagalan pa – Topacio

MANILA, Philippines – Matatagalan pa bago bumalik ng Pilipinas si dating Negros Oriental third district congressman Arnolfo Teves Jr.

Sinabi ni Atty Ferdinand Topacio na pinalawig ng korte sa Timor-Leste ang detention ni Teves ng maximum na 15 araw o sa buong panahon ng magiging paglilitis.

Ayon kay Topacio, umalis na sa Timor-Leste ang Philippine delegation sa pangunguna ni National Bureau of Investigation Director Medardo de Lemos matapos mabatid na hindi maiuuwi agad si Teves.

Sa kasalukuyan aniya, wala sa usapin ang extradition o deportation habang isinasagawa ang pagdinig na taliwas sa inihayag ni Justice spokesman Assistant Secretary Jose Dominic Clavano.

Dagdag ni Topacio, nais pa umanong pahiyain at iharass si Teves ng Philippine delegation sa pamamagitan ng tangkang pagkuha ng kanyang larawan habang nakakulong.

Ang pagdinig ay may kaugnayan sa kahilingan na political asylum ni Teves.

Muling itinakda ang pagdinig bukas, Marso 25.

Pinag-aaralan na umano ng legal team ni Teves ang iba’t ibang opsyon kabilang ang pagdulog sa United Nations Commission on Human Rights dahil sa ginagawa umanong pagpapahirap ng Philippine government kay Teves. Teresa Tavares

Previous articleTolentino sa PPA: ‘Lakbay Alalay’ sa pet animals ngayong Semana Santa, kailangan
Next articleBabaeng negosyante, pinagbabaril patay