Home NATIONWIDE Pagbibitiw ni VP Sara, ‘di garantiya para makaiwas sa impeachment

Pagbibitiw ni VP Sara, ‘di garantiya para makaiwas sa impeachment

3
0

MANILA, Philippines – Ayon kay abogado Howard Calleja, maaari pang magbitiw si Vice President Sara Duterte bago magsimula ang kanyang impeachment trial sa Lunes, tulad ng ginawa noon nina dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at dating Comelec Chair Andres Bautista.

Ngunit sinabi ni Bayan Muna chair Neri Colmenares na hindi nangangahulugang makakaiwas si Duterte sa epekto ng impeachment.

“Any impeachable official who resigned from public office cannot escape perpetual disqualification,” ani Colmenares.

Nahaharap si Duterte sa mga reklamong may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, pagbabanta umano kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang pamilya, at umano’y panunuhol sa mga opisyal ng Department of Education.

Iginiit ni Colmenares na kailangang ipaliwanag ni Duterte ang paggastos ng P125 milyon sa loob lamang ng 11 araw, gayundin ang iba pang confidential funds na ginamit.

Samantala, sinabi ni Calleja na “rock solid” ang mga ebidensiyang inihanda ng House prosecution panel.

Nagkaroon din ng usapin kung ilang boto ang kailangan sa impeachment. Ayon kay Calleja, kailangan ang dalawang-katlong boto ng mga senador na aktuwal na uupo bilang hukom, habang sinabi naman ni Colmenares na malaking hamon para kay Duterte ang makakuha ng sapat na boto para sa kanyang pag-absuwelto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here