Home NATIONWIDE Pagbili ng 350K tonelada ng Vietnamese rice ipinagpaliban muna ng PH importers

Pagbili ng 350K tonelada ng Vietnamese rice ipinagpaliban muna ng PH importers

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban muna ng mga rice importer mula sa Pilipinas ang pagbili ng nasa 350,000 metriko tonelada ng Vietnamese rice, ayon sa ulat ng Reuters.

Sa naturang report, sinabi na ang mga trader ay kasalukuyang nagsasagawa ng negosasyon matapos na ang presyo ng Vietnamese rice ay nakakita ng “steep decline” noong mga nakaraang linggo.

Sinabi ng isang Singapore-based senior executive sa isang international grain trading company na,”buyers are not willing to take the expensive rice.”

Ani Department of Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang import delays ay posibleng dulot ng nagdaang holiday sa Vietnam. RNT/JGC