MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng toxic watchdog group ang publiko sa pagbili ng mga pangregalo ngayong Kapaskuhan tulad ng ceramic mugs na maaaring may bahid ng mga mapanganib na kemikal.
Sa nagdaang market surveillance, namonitor ng BAN Toxic, ang 12 samples ng makukulay na mugs kabilang ang mga ibinibenta para sa personalized na regalo at printed ceramic mugs na may ibat-ibang design.
Ang nasabing mga mugs ay naglalaro sa halagang P50 at P65 at inilalako ng mga street vendor at bargain shop sa Carriedo at Divisoria sa Maynila, at general merchandise store sa Quezon City.
Lahat ng mugs ay walang label at walang box na nagtataas ng alalahanin sa potensyal na chemical contamination.
Nadiskubre ng grupo na batay sa kanilang pagsusuri na ang mga sample mugs ay mayroong lead sa antas na 61 parts per million (ppm) Hanggang 8,700 ppm at dicadmium mula 56 ppm hanggang 1,130 ppm.
Natuklasan din na ang mataas na concentrations ng lead at cadmium ay nasa paint-coated designs.
Ang cadmium ay kilalang may toxic effects sa kidney, skeletal system at respiratory system at nauri bilang human carcinogen.
“Colorful and printed ceramic items such as mugs, plates, and similar products should be on the watchlist of regulatory agencies, as these popular items are commonly used by consumers, including children. The hazardous substances used in ceramic products pose a serious and immediate danger to public health and safety,” sabi ni Thony Dizon, Advocacy and Campaign Officer ng BAN Toxics.
“We call on regulatory agencies to conduct post-market surveillance and testing of holiday gift mugs and other ceramic items being sold in the market and issue a health and safety advisory to guide consumers,” dagdag pa niya.
Plano ng grupo na isumite ang samples sa Chemicals Management Division ng EMB-DENR para sa karagdagang pag-analisa at upang itaguyod ang mga pagbabago sa patakaran at pagkilos sa regulasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden