Home OPINION PAGHAHANDA SA ‘NEXT ROUND’ NG GIYERA

PAGHAHANDA SA ‘NEXT ROUND’ NG GIYERA

232
0

BAGO ang lahat, sinserong pasasalamat ang ipinapaabot natin sa lahat ng mga kaibigan, kakilala at mga kamag-anak na bumati at nakasama natin sa ating kaarawan nitong nakaraang Huwebes sa pagpasok natin sa edad 60-anyos.

Kulang ang espasyo para pangalanan kayong lahat subalit, ‘special mention’ kay DOJ Secretary Boying ‘Bossman’ Remulla, sa kanyang ‘brief but morale boosting message’ (pero walang dumating na ‘corned beef,’ hehehe), DPWH Usec. Bobby Bernardo at NDRRMC Executive Director Ariel ‘Nepo’ Nepomuceno at ex-PNP Intel Group director, Charles Calima.

Higit sa lahat, salamat sa ating Panginoon sa Kanyang patuloy na pagbibigay sa atin ng gabay at pagkakataon na maiwasto ang mga nagagawang pagkakamali at gumawa ng mga hakbang na umaayon sa Kanyang kagustuhan. Sa madaling salita, salamat Panginoon at buhay at malakas pa ako hanggang ngayon, Amen!

***

Bagaman sang-ayon tayo sa obserbasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi tayo masyadong apektado ng agresyon sa Gitnang Silangan ng Israel at ‘Tadong Unidos, partikular sa bansang Iran, dapat pa rin gumawa ng mga kailangang ‘contingency plans’ ang ating pamahalaan, partikular sa usapin ng kagyat na pagtulong sa ating mga overseas Filipino workers at paano “maitatawid” ang ating ekonomiya sa mga bagong hamon dala ng magulong sitwasyon.

Aminin: ‘Small time’ lang ang ‘Pinas na kahit “mabura sa mapa” ay walang epekto sa daloy ng kalakalan sa buong mundo kaya sadyang hindi tayo masyadong apektado sa magulong sitwasyon ngayon.

Samantala, ang ‘remittances’ ng ating ‘OFWs’—tinatayang umaabot sa $38 bilyon kada taon– ang patuloy na sumasagip sa ating lahat kung saan ang malaking porsyento ay mula sa mga manggagawa sa Gitnang Silangan

Hindi tatagal ang ‘ceasefire’ ng Iran at Israel na gustong “ilako” sa mundo ni Donald Trump. Dapat paghandaan na sa ‘next round’ ng giyera, hindi malayong madamay na ang mga bansa kung saan “nagkumpulan” ang ating OFWs.

Sa ganitong sitwasyon, paano na sila, paano na ang ating ekonomiya, aber?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here