Home HOME BANNER STORY Paghinto sa infra projects sa gitna ng oil crisis, tinutulan ni Dizon

Paghinto sa infra projects sa gitna ng oil crisis, tinutulan ni Dizon

92
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang panawagang ipahinto ang malalaking infrastructure projects, at iginiit na dapat pa nga itong pabilisin upang makatulong sa problema sa trapiko at konsumo ng gasolina.

Ito ay matapos magmungkahi ang isang ekonomista na ipagpaliban muna ang mga proyekto upang mailaan ang pondo sa subsidies habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo.

“With all due respect, kabaliktaran ang dapat nating gawin,” ani Dizon.

“Habang nagkikrisis tayo, bilisan pa natin lalo yung mga infrastructure natin. Kasi unang-una, ito yung mga nagpapabilis ng trapik,” dagdag pa niya.

Binalaan din ni Dizon na kung ihihinto o babagalan ang mga proyekto, mas lalala ang trapiko at tataas pa ang konsumo ng gasolina.

“Kapag hininto ko ’to, ano mangyayari dito? … Kapag pinabagal ko ’to, magta-trapik lalo. Lalong titindi yung konsumo ng gasolina nitong mga sasakyan natin,” aniya.

Sinabi rin niya na maaaring hindi tama ang mungkahing ipagpaliban ang mga proyekto bilang solusyon sa kasalukuyang sitwasyon.

“Medyo mali ata yung suggestion na ’yon,” dagdag pa niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here