Home NATIONWIDE Pagkaantala sa visa processing system inanunsyo ng US embassy

Pagkaantala sa visa processing system inanunsyo ng US embassy

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ang mga kumukuha ng visa na magkakaroon ng pagkaantala sa mga serbisyo nito mula Setyembre 26 hanggang 27.

Ayon sa embahada, ang nakatakdang pagkaantala ay dahil sa paglipat ng kanilang bagong visa appointment scheduling system.

Sa loob ng dalawang araw, ang mga immigrant at non-immigrant visa applicant ay hindi makakapag-iskedyul o makakapag-reschedule ng mga appointment sa visa, makapagbayad ng application fees o makipag-ugnayan sa call center.

Ngunit tiniyak nito sa publiko na hindi kakanselahin ang mga naka-iskedyul na appointment sa visa at magpapatuloy ito bilang normal.

“Visa fee payment services will be unavailable as early as September 25 and will resume on September 28,” sabi ng Embahada.

“Delivery services may also be partially affected. The LBC courier will deliver documents and visa packets received prior to September 26 on the normal schedule.”

“Customers may continue to submit interview waiver applications and other documents to LBC branches during this period.”

Samantala, para sa urgent visa application concerns o request sa nasabing panahon, ang mga aplikante ay maaring direktang makipag-ugnayan sa Consular Section sa pamamagitan ng online visa inquiry form sa ph.usembassy.gov/contact-us-visas.

Magbabalik ang lahat ng regular services sa Setyembre 28 sa paglulunsad ng US embassy new visa systems platform. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)