MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dapat na may ‘exception’ sa ‘differences’ sa pagitan ng Pilipinas at Tsina kaysa sa pamantayan o karaniwan sa diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ito ng Pangulo matapos tanggapin ang credentials ng bagong itinalagang Chinese Ambassador to the Philippines na si Jing Quani sa Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ng Pangulo na ang Tsina ay isa sa “most important friends at partners” ng Pilipinas sa mundo.
“I’m sure that there will be many opportunities for us to make the relationship between our two countries stronger, deeper and more important as the years go by,” ang sinabi nI Pangulong Marcos.
“I look forward to working with you in managing the differences and intensifying the cooperation between our two countries. Our differences should be the exception in our ties rather than the norm,” aniya pa rin.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas, Tsina at ilang bansa ay mayroong nagpapatuloy na territorial dispute sa South China Sea.
Sa kabilang dako, tinanggap naman ng Pangulo ang letters of credence ni Felipe Alejandro Diaz Ibañez, newly-designated Ambassador ng Republic of Chile to the Philippines.
Nangako naman ang mga bagong envoys na itutuon ang kanilang pagsisikap tungo sa mas palalimin ng bilateral cooperation at friendly relations sa pagitan ng Pilipinas at kani-kanilang bansa.
Samantala, opisyal na magsisimula ang mga newly-designated ambassadors ng kanilang diplomatic tenure sa pamamagitan ng pagpi-presenta ng kanilang credentials, isang akto na nagbibigay-diin sa nakabahaging pangako para palakasin ang bilateral ties at pangalagaan ang international cooperation. Kris Jose