Home NATIONWIDE Pagkakaroon ng sariling negosyo ni VP Sara, kinuwestiyon ni Tulfo: ‘Ba’t di...

Pagkakaroon ng sariling negosyo ni VP Sara, kinuwestiyon ni Tulfo: ‘Ba’t di nag-divest?’

1
0

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Senator-judge Raffy Tulfo kung bakit hindi nag-divest si Vice President Sara Duterte sa kanyang posisyon sa kumpanya matapos maupo noong 2022, sa kabila ng pagiging abogado at pagkakaroon ng maraming abogado sa paligid niya noong kampanya sa pagka-bise presidente.

Sa kanyang manifestation nitong Lunes, sinabi ni Tulfo na catch-22 scenario ang kinasadlakan ni Duterte kaugnay ng pagdedeklara ng pagmamay-ari ng mga kumpanya sa kanyang SALN.

“Um, in your own admission, in a sworn document like the SALN inamin ni VP Sara na siya at ang kanyang husband na si Atty. Mans Carpio ay nagmamay-ari ng maraming kumpanya. And, uh, so therefore, nandiyan na ‘yan, dineklara niya sa kanyang SALN,” ani Tulfo.

“Now, parang catch-22 scenario ito para sa kanya, eh, kasi aaminin niya ba na nagmamay-ari siya ng mga kumpanya? Ide-declare niya, o huwag niyang i-declare? Kasi kapag hindi niya dineclare, that’s non-declaration culpable violation of the Constitution. Pag dineclare niya, na meron siyang nagmamay-ari siya ng mga kumpanya, that’s a violation of Article 7, Section 13, dahil bawal sa mga VP sa isang VP na magmamay-ari ng isang kumpanya. Or many businesses for that matter,” dagdag niya.

Nagtataka aniya siya kung bakit walang nag-abiso kay Duterte na kinakailangan niyang mag-divest.

“Ang pinagtataka ko lang, si VP Sara ay abogado, si Atty. Mans Carpio ay abogado, and I’m very sure noong siya ay tumakbo sa pagka-VP, maraming mga nakapaligid sa kanya, mga brilliant lawyers, and no doubt about that, walang man lang ni isa sa kanila ang nakapag-advise sa kanya na ‘VP kailangan mong mag-divest. Kasi bawal ‘yan,'” ani Tulfo.

“That’s 22, 23, 24, 25, wala man lang ni-isang brilliant lawyer sa team ni VP Sara para makapag-advise sa kanya na bawal ‘yan kahit na hindi kumikita ‘yung business na ‘yan. Bawal pa rin ‘yan sa Constitution, Article 7, Section 13, and yet. Tahimik sila. That I don’t understand. It’s mind-boggling for me. It doesn’t make sense. At all,” pagtatapos ng senador.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here