MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court en banc ang diskwalipikasyon ni dating Albay governor Noel Rosal at dalawang lokal na opisyal kabilang ang misis nito na si dating Legazpi City mayor Carmen Rosal sa idinaos na May 2022 national and local.
Pinawalang-bisa din ang pagkapanalo sa eleksyon ni Legazpi City councilor Jose Alfonso Barizo.
Sa SC En Banc resolution, nilabag ng mga respondent ang Omnibus Election Code kaugnay sa pagpapalabas ng pondo ng gobyerno sa panahon na bawal maglabas ng government funds bago ang regular election.
Nanalo si Rosal bilang Albay governor nitong 2022 elections ngunit dinisqualify ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa paglabag sa election spending ban.
Samantala, ang kanyang misis na si Carmen ay dinisqualify ng Comelec matapos mapatunayan na nagpamudmod ito ng pera para sa siya ay iboto.
Ito ay ang ginanap na dalawang araw na Tricycle Driver’s Cash Assistance Payout kung saan pinangalanan si Carmen sa mga social media post bilang “Mayor Gie Rosal” kahit hindi siya ang kasalukuyang mayor.
“The Court also dismissed the petition-in-intervention of Al Francis C. Bichara. As to the petition-in-intervention of Oscar Robert H. Cristobal (Cristobal), pro hac vice, the COMELEC is directed to separately docket a disqualification proceeding against Cristobal to determine whether he is also disqualified from running for the office of Vice Mayor in the 2022 National and Local Elections, in view of his presence in the same cash assistance pay-outs during the prohibited period before a regular election, alongside the other petitioners in these consolidated cases. “
Samantala, iniutos ng SC na alisin na ang Status Quo Ante-Order na inisyu nito nitong May 11, 2023. Teresa Tavares