Home NATIONWIDE Pagkasawi ng Toboso 19, isang masaker, ‘di engkuwentro – grupo

Pagkasawi ng Toboso 19, isang masaker, ‘di engkuwentro – grupo

83
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng grupong Karapatan na “massacre” ang nangyaring pagkamatay ng 19 indibidwal sa Toboso, Negros Occidental, at hindi isang engkwentro gaya ng pahayag ng militar.

Naganap ang insidente noong Abril 19 sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army (NPA).

Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, may drone footage umano mula sa Armed Forces of the Philippines na nagpapakitang buhay pa ang isang NPA leader na si Roger Fabillar at hindi umano kayang lumaban.

“Buhay siya, tumingin pa siya sa drone. I believe it was taken down sa isang publication pero marami naman po ang nakapag-download,” ani Palabay.

Nanawagan ang grupo ng pananagutan at sinabing posibleng paglabag ito sa international humanitarian law.

“What happened in Toboso is a massacre. They are blatant violations of the principles that should apply in an armed encounter,” ayon kay Julianne Agpalo ng National Union of Peoples Lawyers.

Nanawagan din si human rights lawyer Neri Colmenares ng isang independent at objective na imbestigasyon, at iginiit ang pagbabawal sa pagpatay sa mga prisoners of war sa ilalim ng Geneva Conventions.

Patuloy na pinaninindigan ng Armed Forces of the Philippines na mga kasapi ng NPA ang mga nasawi. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here