Home OPINION PAGKILALA SA MAHUSAY NA SERBISYO NG BOC-NAIA

PAGKILALA SA MAHUSAY NA SERBISYO NG BOC-NAIA

1
0

NAGBUBUNGA na ang isinulong na programang Integrity, Accountability and Modernization ni Commissioner Ariel Nepomuceno na nakatuon sa mas malinis, episyente at moderno ng serbisyo sa Bureau of Customs na kanyang pinamumunuan.

Nalampasan na kasi ng BOC ang kanilang target collection nitong nakaraang buwan ng Hunyo, 2026 matapos makakolekta ng ₱86.073 bilyon, na mas mataas ng ₱2.853 bilyon kung ikukumpara sa kanilang buwanang target na ₱83.220 bilyon.

Nangangahulugan ito na mayroon na silang kabuuang sobrang koleksyon o surplus na umabot sa ₱11.478 bilyon sa kalahatian ng kasalukuyang taon..

Bakit naman hindi lalaki ang surplus ng ahensiya kung dito lang sa BOC-Ninoy International Airport ay nalampasan nito ang kanilang koleksyon sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon kaya hindi nakakapagtaka kung umani man ng pagkilala ang mga tanggapan na nagkaisang magsumikap para mapataas ang koleksiyon ng kita ng pamahalaan.

Kudos kay District Collector Atty. Maria Yasmin M. Obillos Mapa dahil sa kanyang pamumuno, isa-isang napagkalooban ng Certificates of Commendation at Appreciation ang mga internal division, support group at partner warehouses na naging susi sa tagumpay ng tanggapan.

Siyempre, nanguna sa mga pinarangalan ang Paircargo Assessment Composite Division, na kinilalang malaking dahilan kung bakit nalampasan ng BOC-NAIA ang itinakdang revenue target para sa buwan ng Hunyo.

Ipinakikita lamang nito na kapag nagkakaisa ang mga tauhan at katuwang ng ahensya, hindi imposible ang mas mataas na koleksyon ng kita para sa gobyerno.

Pero siyempre, ang isa rin sa pinakamalaking susi sa paglobo ng koleksyon, ay ang pagsugpo sa smuggling at mahigpit na pagbabantay sa mga tiwaling kawani na nakipagsabwatan sa mga smugglers para makalusot ang mga kontrabando o yung mga misdeclared na produktong ipinapasok sa bansa.

Alam ni Commissioner Nepomuceno na may katiwalian pa rin sa BOC at inamin niya na nahirati sa malaking kita kaya nagpupumilit pang nakipagsabwatan sa mga smuggler na dahilan para makalabas ng Aduana ang kontrabando. Pero may mga nasabat.

Ngayon, kung magpapatuloy ang magandang performance ng BOC sa ilalim ng maayos na pamamalakad ni Nepomuceno at pakikipagtulungan na rin ng kanyang mga District Collectors, hindi malayong mas marami pang target, lalo na ang BOC-NAIA, sa mga susunod na buwan na maituturing na isang magandang balita, hindi lamang para sa ahensya, kundi para rin sa kaban ng bayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here