Home NATIONWIDE Paglakas ng US-PH defense ties pinuri ni Blinken

Paglakas ng US-PH defense ties pinuri ni Blinken

MANILA, Philippines- Ikinagalak ni US Secretary of State Antony Blinken ang kamakailan lamang na pagpapalakas ng defense ties sa pagitan ng US at Pilipinas, na tinawag niyang “extraordinary.”

Sa pagsasalita sa naging pagbisita sa Pilipinas, sinabi ni Blinken  a ang naging aksyon ng Tsina sa South China Sea ang nag- trigger ng mas malawak na international reaction, at ang Estados Unidos ay naugnay sa pinaigting na diplomasya para pagtibayin ang international law.

“We have a shared concern about (China’s) actions that threaten our common vision for a free open Indo-Pacific, including in the South China Sea and in the Philippines exclusive economic zone (EEZ),” ayon kay Blinken sa press conference kasama ang kanyang Philippine counterpart.

Naging “matabang” ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa gitna ng paulit-ulit na pagtatalo sa SCS, na sumasaklaw sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, dahilan para akusahan ng Manila ang coast guard ng Tsina ng “policy of aggression.”

Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Blinken na ang kasunduan ay maituturing na “ironclad,” sabay sabing pinalawak nito ang armed attacks sa Philippine armed forces, public vessels at aircraft, kabilang na sa coast guard saan mang bahagi ng South China Sea.

Sinabi pa niya na ang economic ties sa Estados Unidos ay lalawak at nag-alok ng suporta sa Philippine manufacturing.

Noong nakaraang linggo, binisita ng US commerce Secretary ang Pilipinas at sinabi na nakatakdang ihayag ng US companies ang mahigit sa $1bilyong investments sa bansa.

Samantala, sinabi ni Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo na ang hamon ay kung paano pananatilihin at itataas ang relasyon sa Estados Unidos, saka pinasalamatan ang US para sa suporta sa kamakailan lamang na alitan sa China sa South China Sea. Kris Jose

Previous articlePromosyon ng 129 AFP officers lusot sa CA
Next articleTransport group muling umapela vs pagpapatibay ng SC sa PUVMP