Home NATIONWIDE Paglantad sa katiwalian, pagpapanagot sa mga salarin, ipinanawagan ng INC

Paglantad sa katiwalian, pagpapanagot sa mga salarin, ipinanawagan ng INC

205
0

MANILA, Philippines – Binatikos ng Iglesia ni Cristo ang umano’y malawakang katiwalian sa gobyerno at ang mabagal na imbestigasyon sa mga pondo para sa pampublikong proyekto.

Ayon kay spokesperson Edwil Zabala, milyon-milyong piso ang hindi matunton at ang mga whistleblower ay inaakusahan at ginigipit.

“Mula ng magsagawa ng Rally for Transparency, Accountability, Justice and Peace ang Iglesia Ni Cristo noong November 16 to 17, 2025, patuloy kaming naghihintay kung paano tutugunan ng gobyerno ang malawak na katiwalian na naganap sa ating bansa,” sabi ni Zabala.

“Mahigit tatlong buwan na ang lumipas subalit wala pa rin natatanaw ang mga mamamayan na kalutasan sa napakalaking pangungulimbat sa kaban ng bayan,” dagdag niya.

Pinuna rin ng INC ang umano’y hindi malinaw na hakbang sa imbestigasyon ng mga proyektong tulad ng flood control, kabilang ang pahayag ng mga dating sundalo na naghatid ng male-maletang pera.

“Hinihintay ng mga Pilipino ang sinasabi ng Senate Blue Ribbon committee chairman na, ‘we will go where the evidence lead us.’ Ngayong may mga lumalabas na pahayag na mula sa mga sangkot, kabilang ang umanoy nagpadala ng male-maletang pera, at kamakailan lang ay pinatuyan ng mga dating sundalo na umaming sila ang naghatid ng mga ito, bakit tila walang malinaw na hakbang upang palawakin pa at tapusin ang imbestigasyon?” ani Zabala.

Tinapos niya ang pahayag ng panawagan sa gobyerno:
“Ang aming panawagan ay nananatiling malinaw. Ilantad ang buong katotohanan, papanagutin ang dapat managot at pairalin ang katarungan upang maibalik ang tiwala ng bayan at maitaguyod ang tunay at pangmatagalang kapayapaan at pagsulong ng Pilipinas.”

Binigyang-pansin ng Presidential Communications Office sa pamamagitan ni Undersecretary Claire Castro na ang ilang kaso ay nasa Ombudsman at Department of Justice na, at dapat hintayin ang desisyon nila.

“Nasa Ombudsman at DOJ na ang ibang nairekomendang kaso. Hintayin na lang po natin kung ano ang magiging resolution nila. Yan po ang tinatawag na rule of law at due process.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here