Home NATIONWIDE Pagpapalit ng kandidato pagkatapos ng COC filing sinisilip ipagbawal

Pagpapalit ng kandidato pagkatapos ng COC filing sinisilip ipagbawal

MANILA, Philippines- Iminumungkahi ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia ang pagbabawal sa pagpapalit ng kandidato dahil sa voluntary withdrawal matapos ang paghahain ng certificate of candidacy (COC).

Sa isang press conference sa Iloilo, sinabi ni Garcia na imumungkahi niya ito sa Comelec en banc para sa pag-apruba.

Sinabi ni Garcia na ang mga indibidwal na naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) ay hindi papayagang mapalitan matapos ang October 8 o sa huling araw ng COC filing, liban na lang kung dahil sa diskwalipikasyon o pagkamatay.

“Mukhang ‘di na namin papayagan ang substitution ng candidates… Mula October 1 to 8, ‘yan ‘yung filing of candidacy. Papayagan po namin, mag-withdraw ka, pwede ka pang palitan pero after ng [October] 8 wala nang palitan ng candidacy,” giit ni Garcia.

“Wag na natin pinagbobola ang sambayanan,” dagdag pa ni Garcia.

Paliwanag ni Garcia, ang ban, gayunman, ay hindi saklaw ang substitution para sa mga kandidato na namatay o nadiskwalipika.

“I will recommend to the en banc such a proposal. I will pursue it kasi maraming mga kababayan natin ang nagsasabi na sobra naman, hindi na dapat pinapayagan ang mga palitan na ‘yan,” the Comelec chairman said.Garcia, an election lawyer prior to his appointment to the Comelec, also believes that this proposal is still consistent with the law.”

Iginiit pa ng Comelec chief na ba nakasalig ito sa batas.

“Eh kung papayagan naman namin ang palitan sa withdrawal sa panahon ng filing ng candidacy, pumayag kami. So nasa batas pa rin,” ayon pa sa opisyal.

“Pero after noon, wala namang sinasabi ang batas na after ng filing ng candidacy ay pwedeng payagan o hindi payagan ang withdrawal. So pwede naming gawin na hindi payagan ang withdrawal bilang ground ng substitution after the filing of candidacy,” dagdag niya.

Ngunit matapos ang panahon ng COC filing, sinabi ni Garcia na ang batas ay hindi nagsasaad kung maaari o hindi pinapayagan ang withdrawal.

Kaya maaari pa rin aniyang ipagbawal ang pag-withdraw bilang batayan para sa substitution pagkatapos ng paghahain ng kandidatura. Jocelyn Tabangcura-Domenden