Home NATIONWIDE Pagpasa ng mga panukalang poprotekta vs tumataas na presyo ng petrolyo tututukan...

Pagpasa ng mga panukalang poprotekta vs tumataas na presyo ng petrolyo tututukan ng Kamara

148
0

MANILA, Philippines – Nangako si Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Martes, Marso 10 na tututukan nito ang pagpasa ng mga panukala na poprotekta sa publiko mula sa epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo kasabay ng tensyon sa Middle East.

“We recognize that this is a challenge we must face head on, which is why the House of Representatives will work with the Executive to focus on measures that will help cushion the effects of rising oil prices on the various sectors of our economy—especially our workers, commuters, farmers, and small businesses,” saad sa pahayag ni Dy.

“Hindi po kayo nag-iisa sa pagharap sa mga hamong ito. Kami po ay walang humpay na magsusulong ng mga priority bills at mga hakbang na makakatulong upang mapagaan ang epekto ng mga pandaigdigang krisis,” dagdag pa nito.

Samantala, nasa limang panukala ang humihiling na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo para suspendihin o bawasan ang excise taxes sa produktong petrolyo na pending pa sa House ways and means panel na pinangungunahan ni Marikina Second District Representative Miro Quimbo.

Sinuportahan naman ng Department of Energy (DOE) ang isa sa mga panukalang ito.

Ani Quimbo, target nilang maaprubahan ang panukala na magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo o bago mag-session break ang Kongreso sa Miyerkules ng susunod na linggo, Marso 18.

“We are counting on the Palace to certify this as urgent so we can finish in time. By Monday next week, we can approve it on third and final reading,” sinabi ni Quimbo.

Nitong Martes, sinabi ni Palace Press Office Claire Castro na sesertipikahan ng Pangulo ang panukala na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na suspendihin o bawasan ang excise tax sa petrolyo bilang urgent basta’t mabibigyan siya ng Kamara at Senado ng committee reports sa usapin.

Nauna nang sinabi ng Department of Planning and Development ang House ways and means panel na ang suspensyon ng excise tax ay magpapababa sa oil prices ng P6 kada litro para sa diesel at P10 kada litro sa gasolina. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here