MANILA, Philippines – NAKATAKDANG umuwi ng ligtas sa Pilipinas ang mga Filipino mula sa ibang bansa sa Gitnang Silangan sa mga darating na araw.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inayos na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang chartered flights para sa mga Filipino na naghahangad na makauwi ng Pilipinas.
“Today, 16 OFWs from Tel Aviv (Israel) traveled by land to the southern Israel town of Eilat, which borders Egypt via the Taba border crossing. These 16 OFWs cross the Egyptian border and will take the Cairo to Muscat to Manila flight with ETA Manila on March 11, 9:30 pm, Philippine time,” ayon kay Castro.
“We have 20 OFWs (from Dubai) with 9 OFW dependents who travel from Dubai to Oman via the Khatmat-Malaha border crossing in northern Oman. Upon crossing the Omani border, they go to Muscat and take the Muscat to Manila flight with ETA Manila on March 10, 9:30 pm Philippine time,” aniya pa rin.
Sa United Arab Emirates, nag-book na ang gobyerno ng Pilipinas ng commercial flights para sa mga overseas Filipino workers at kanilang dependents na magmumula sa Dubai via Emirates Airlines.
Sa Riyadh, Saudi Arabia, inayos na rin ng DMW ang paglipad ng mga Filipino repatriates na may pinakamaagang pag-alis sa Marso 14, 2026.
Sa kabilang dako, ang repatriation operation ay popondohan sa pamamagitan ng Emergency Repatriation Fund of the Overseas Workers Welfare Administration, isang attached agency ng DMW.
Mahigit naman sa 400 Filipino ang nagbalik na sa Pilipinas simula nang pumutok ang hidwaan sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni Castro na prayoridad ng gobyerno ng Pilipinas na ligtas na maiuwi ang mga Filipinos overseas sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon. KRIS JOSE