Home OPINION PAGPATAY SA MGA PANGULO NG MGA KANO

PAGPATAY SA MGA PANGULO NG MGA KANO

DALAWANG Pangulo ng mga bansa ang ninais na patayin ng mga Amerikano nitong mga nagdaang araw.

Isa mismo si dating Pangulong Donald Trump at si Venezuela President Nicolas Maduro.

Kamakalawa, habang naglalaro ng golf si Trump sa isang lugar sa Florida, tinangka siyang barilin ni Ryan Wesley Routh, 58, may ilang kaso sa mga korte ukol sa hindi pagbabayad ng buwis sa tamang oras at iba pa at suporter ng Democratic Party na kinapapalooban nina Pang. Joe Biden at Vice President Kamala Harris at kalaban ni Trump.

Natagpuan si Routh na gumagapang na may dalang AK-47 mga 400 metro ang lapit kay Trump ngunit may nakakita sa kanya na gwardiya ni Trump at pinaputukan siya.

May tambay namang nakapagturo na sumakay siya ng kanyang sasakyan palayo ngunit nahabol pa rin siya ng mga gwardiya ni Trump.

Nauna rito, noong Hulyo 13, 2024, binaril na rin si Trump habang nagtatalumpati sa Butler, Pennsylvania at tinamaan sa kanang tainga.

Napatay naman kaagad ang suspek na si 20-year-old Thomas Matthew Crooks ng mga Secret Service sniper na may layong 400 piye.

Sa Venezuela naman, may nahuli namang nagtangka umanong pumatay kay Pangulong Nicolas Maduro.

Tatlo sa mga suspek ang Amerikano, dalawang Espanyol at isang Czech.

Isa sa mga Kano ang aktibo sa American military, si Wilbert Joseph Castañeda Gomez na na-deploy sa mga giyera sa Afghanistan, Iraq at Colombia.

Sinabi ni Interior Minister Diosdao Cabello na utak sa tangkang pagpatay kay Maduro at ilang matataas na opisyal nito ang Central Intelligence Agency ng United States, ngunit itinanggi naman ng Amerika ang paratang.

May 400 matataas na kalibre ng armas ang nasamsam sa mga ito na gagamitin sana ng mga mersenaryo mula sa Europa para patayin si Maduro.

Anong meron sa mga Kano at gusto nilang patayin ang sarili nilang Pangulo gaya ni Trump?

Ano rin meron sa kanila at gusto nilang patayin ang iba pang mga Pangulo ng ibang bansa gaya ni Maduro?