MANILA, Philippines-Hindi lamang upang paalabin ang damdamin sa pananalakay ng China sa West Philippine Sea kundi mahikayat din ang mga Pilipino na unawain ang mga karapatang pandagat ng bansa ang layunin, sinabi ng koalisyon ng Atin Ito noong Sabado, habang itinutulak nitong isama ang pinag-aagawang teritoryal na tubig sa kurikulum ng paaralan.
Binigyang-diin ni Ed dela Torre, Atin Ito Co-convenor, kung gaano kahalaga ang edukasyon sa pagprotekta sa soberanya ng bansa.
Ayon kay Dela Torre, ang agresibong aksyon ng China tulad ng pagtatayo ng artificial islands at pagbomba ng tubig sa mga mangingisda ay nagpagalit sa damdamin ng mga Pilipino.
Gayunman, sinabi Dela Torre na ito ay hindi sapat.
Hiniling ni Akbayan president Rafaela David, co-convenor din ng Atin Ito, kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglabas ng executive order para sa “isang malinaw na balangkas at proseso sa institusyonal at mandatoryong pagtuturo ng kasaysayan, heograpiya at legalidad ng West Philippine Sea sa lahat ng antas ng edukasyon.”
Sinabi ni Dela Torre na habang nagpapatuloy ang mga diplomatikong protesta, ang pagsasama ng kurikulum sa West Philippine Sea ay mahalaga upang magkaroon ng “internal na kalinawan” sa mga Pilipino na ang bansa ay may mga karapatan sa soberanya sa mga pinagtatalunang isla.
Ipinaliwanag din niya na ang paksa ng West Philippine Sea ay maaaring “malikhain” na isama sa mga paksa tulad ng Araling Panlipunan at iba pang pag-uugali na layong itanim ang nasyonalismo.Jocelyn Tabangcura-Domenden