Home NATIONWIDE Pagtanggal ng tubig sa nasunog na barko sa Coron nagpapatuloy

Pagtanggal ng tubig sa nasunog na barko sa Coron nagpapatuloy

1
0

MANILA, Philippines – Walang humpay ang ginagawang operasyon at pagtanggal ng tubig ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nasunog na MV June Aster para maging maayos ang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa karagatan sakop ng Coron, Palawan.

Ang oily water mixture naman na nakolekta ay nailagay na sa 58 drum para sa wastong disposal para hindi makaapekto sa kalikasan.

Nagpadala na rin ng demand letter ang PCG sa
Atienza Shipping Lines para kumuha ng salvor na susuri sa structural integrity at kondisyon ng naturang barko.

Nagtalaga na rin ang PCG ng legal team upang magbigay ng legal assistance kaugnay ng mga claims at tulong para sa mga biktima at kanilang mga naulilang pamilya.

Sa pinakahuling talaan ay 77 ang nasawi, 43 ang nakaligtas, habang walo pa ang patuloy na hinahanap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here