MANILA, Philippines – NILINAW ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na walang kaugnayan si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa isa sa mga nakakulong na hinihinalang espiya ng China.
Ang nasabing pahayag ay matapos kumpirmahin ng nasabing lokal na pamahalaang lungsod na ang mga motorsiklong naiulat na donasyon ng umano’y mga espiya ng China ay natanggap na ng pulisya sa Maynila.
Batay sa ulat, nagsilbi umanong donor si Wang Yongyi ng Qiaoxing Volunteer Group kung saan nasa 10 motorsiklo ang donasyon nito sa lungsod ng Maynila.
“Consistent with current and established practice, the City Legal Officer and the City General Services Office reviewed the deed of donation per se and checked the documents about the motorcycles,” saad sa pahayag ng Manila LGU.
“The deed of donation and motorcycles from Sinski Motorcycle Philippines were found to be in order. The motorcycles were registered with the Land Transportation Office,” dagdag pa nito.
Kasama sa mga donasyong motorsiklo ang isang 2015 model at siyam na 2016 model na gasoline-fueled na sasakyan, na iniabot para magamit ng Manila Police District (MPD).
Nilinaw din ng LGU na ang nag-iisang public encounter sa pagitan nina Lacuna at Wang ay naganap sa turnover ceremony ng mga motorsiklo.
“There were no other subsequent nor prior encounters between them,” giit ng lokal na pamahalaang lungsod.
“There were no cash donations or any other donations, projects, or discussion with Wang about any of the things he said during his remarks at the turnover of the motorcycles for the Manila Police District,” dagdag pa ng Manila LGU. JAY Reyes