Home NATIONWIDE Pagtatatag ng OFW Hospital pagkilala sa mga saksripisyo ng overseas workers-Romualdez

Pagtatatag ng OFW Hospital pagkilala sa mga saksripisyo ng overseas workers-Romualdez

176
0

MANILA, Philippines – Itinutulak ni Leyte Rep.Martin Romualdez ang agarang pagsasabatas ng House Bill 7227 o ang pagtatalaga ng ospital para sa mga Overseas Filipino Workers (OFws).

Ayon kay Romualdez, ang pagkakaroon ng ospital na takbuhan ng mga OFW sa oras ng kanilang pangangailanga medical ay pagkilala sa malaking kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa.

“Our OFWs carry our economy on their backs. At isang paraan para kilalanin ang kanilang kontribusyon sa ating bansa ay siguruhin na sila at ang kanilang mga kaanak at pamilya ay mayroong de-kalidad na healthcare,” ani Romualdez.

Layon ng inihaing OFW Hospital Act na inakda ni Romualdez at Tingog Partylist Rep Jude Acidre na magtayo ng Level III hospital sa San Fernando, Pampanga na nasa direktang pangangasiwa ng Department of Migrant Workers.

Sa ilalim ng panukala ay bibigyan ng kumprehsibong healthcare services ang mga migrant workers, mga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) contributors at ang kanilang legal dependents.

Kung may kapasidad ang ospital ay tatanggap din ito ng mga non-OFW patients.

Aakto din na referral facility ang naturang ospital para sa mga repatriated OFWs na kailangan ng medical assistance.

Sa panig ni Acidre sinabi nito na ang pagkakaroon ng OFW hospital ay permanenteng tulong para sa mga OFW.

“The goal is to build a system that treats migrant health as a standing responsibility of government, not as a series of ad hoc responses that depend on who is in office or what issue is trending at the moment. This is a long-term and permanent service to all of our OFWs and their families. Sa laki ng kontribusyon nila sa ating bansa at ekonomiya, kulang pa itong kapalit. But it is really a very good start if we want to honor our heroes,” pagtatapos ni Acidre. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here