Home NATIONWIDE Pagtuturo ng financial literary sa TVET pasado na sa Kamara

Pagtuturo ng financial literary sa TVET pasado na sa Kamara

MANILA, Philippines – Lusot na sa House of Representatives ang House Bill No 9292 na nagsusulong na gawing mandatory ang pagsasama ng financial literacy sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) curriculum ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nasa 246 mambabatas ang bumoto pabor sa panukala at walang naging pagtutol.

Layon ng panukala na bigyan ng kaalaman ang mga estudyante kaugnay sa tamang paghawak ng kanilang pera.

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na agad maisasabatas ang panukala lalo at lubhang mahalaga na mapalakas ang financial education ng mga Pilipino.

“Financial literacy is a precious skill that, unfortunately, few have. Filipinos who are financially literate are more likely to avoid financial frauds, develop financial discipline, use debt responsibly, and save their money for education or retirement,” ani Romualdez.

Sa ilalim ng panukala, ang mga TVI at TESDA training centers ay magbibigay ng financial education sa mga estudyante ng tech-voc.

Nakasaad sa panukala na gagawing mandatory ang pagsasama ng Personal Financial Literacy Course (PFLC) sa TVET curriculum.

“It shall focus solely on personal finance based on the policies, guidelines, and standards set jointly by the TESDA, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF), Securities and Exchange Commission (SEC), and the Insurance Commission (IC),” nakasaad sa panukala.

Bago makagraduate ay mandatory na maipasa ang PFLC.

Kasama sa ituturo sa PFLC ang konsepto ng personal finance; time value ng pera; pangungutang, pag-iimpok, at paggamit ng digital payment platform. Gail Mendoza

Previous articleUsapin ng death penalty sa bansa, binuhay kasunod ng pagbitay sa 2 Pinoy sa China
Next articlePrayer rally isinagawa ng Filipino Muslims para sa MSU bombing at Palestine