Home NATIONWIDE Prayer rally isinagawa ng Filipino Muslims para sa MSU bombing at Palestine

Prayer rally isinagawa ng Filipino Muslims para sa MSU bombing at Palestine

MANILA, Philippines – Isang prayer rally ang isinagawa ng umbrella alliance ng mga Muslim Filipino organizations sa Bonifacio Shrine upang ipanawagan na itigil na ang karahasan kasunud na rin ng nangyayari sa Palestine at ang pambobomba sa Mindanao State University, ayon kay Basilan Rep Mujiv Hataman.

Ayon kay Hataman ang United Muslim Filipinos for Peace and Justice in Palestine ay koalisyon ng may 100 Filipino Muslim organizationns.

“Dalawa ang aming dalangin sa prayer rally na ito: hustisya para sa mga inosenteng Palestino na pinapatay sa Gaza at West Bank ngayon, at hustisya para sa mga biktima ng pambobomba sa MSU kahapon. Andito kami para isigaw ang aming pagkondena sa mga karahasang ito,” pahayag ni Hayama na isa sa convenor ng alliance.

“We will not stop until our voices are heard and the violence in Palestine comes to a permanent end. Tuloy-tuloy lang namin ang aming pagkilos na aming sinimulan sa prayer rally na ito,” dagdag pa nito.

Ang United Muslim Filipinos alliance ay kinabibilangan ng 1Bangsa, United Muslim Chairmen of Manila, Manila Mosques and Administrations, UP Muslim Students Association, Anak Mindanao, Amin Youth, United Youth for Peace and Development, Ako Bakwit, Ummahat BASECO at iba pa.

Sa ipinalabas na statement, kinondena ng alyansa ang kaguluhan sa Palestine.

“We strongly condemn the continuous acts of violence against civilians in Gaza and the total blockade imposed by Israel … The humanitarian crisis demands immediate attention, and we call for an urgent ceasefire to allow essential aid such as food, water, medicine, medical services, fuel and other necessities to reach Palestinian civilians in Gaza,” nakasaad sa statement.

Samantala, mariing kinondena rin ni Hataman ang pambobomba sa Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi.

“This is plain and simple terrorism. Wala na tayong ibang salita para ilarawan ang karahasan na ginawa sa mga estudyanteng payapang nagdadaos ng misa, isang malayang pagpapahayag ng kanilang relihiyon. Katulad ng madalas nating sabihin, walang lugar ang karahasan sa isang sibilisadong lipunan. At ang mga responsable sa pambobombang ito ay dapat managot sa ilalim ng batas,” dagdag pa ni Hataman.

Umaasa si Hataman na hindi titigilan ng mga awtoridad ang kanilang imbestigasyon hanggang sa hindi natutukoy ang nasa likod ng krimen.

“I call on the authorities to investigate this fully, leaving no stone unturned. The perpetrators should be unmasked. Babantayan natin ang developments ng kasong ito para masiguro na magkaroon ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya,” pagtatapos pa ni Hataman. Gail Mendoza