Home NATIONWIDE Palit-liderato sa Kamara ‘di sapat para maresolba flood control mess – House...

Palit-liderato sa Kamara ‘di sapat para maresolba flood control mess – House minority

296
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng mga miyembro ng House minority bloc na hindi sapat ang pagpapalit ng liderato—kung saan pumalit si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III kay Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker—upang maresolba ang mga anomalya sa bilyong pisong flood control projects.

Ayon kay Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando, dapat may managot sa pamamagitan ng pagbablacklist, pagtanggal sa puwesto, at pagkakakulong: “We will settle for nothing less. We will not be pacified easily,” aniya.

Nanindigan din si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na ipagpapatuloy ang laban para sa katotohanan at pananagutan.

“Igigiit natin ang katotohanan, ipaglalaban ang hustisya at pananagutan sa pamahalaan,” ani De Lima.

Samantala, sinabi ni SAGIP Rep. Paolo Marcoleta na kailangan ng Kamara ng “major institutional change, not just cosmetic changes.”

Kabilang ang tatlo sa 28 kongresistang nag-abstain sa botohan. Sa kanyang unang talumpati, nangako si Dy na hindi niya ipagtatanggol ang mga may sala o kukunsintihin ang mga tiwali—isang pangakong umaasang higit pa sa “mere rhetoric,” ayon sa minority bloc. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here