Home NATIONWIDE Pamamaril kay Kerwin Espinosa, kinondena ng Comelec

Pamamaril kay Kerwin Espinosa, kinondena ng Comelec

MANILA, Philippines – Kinondena ng Commission on Elections ang pamamaril sa tumatakbong alkalde ng Albuera, Leyte na si Kerwin Espinosa.

Giit ni Garcia, ang halalan ay hindi patungkol sa patayan kundi pagbibigay buhay sa demokrasya.

Idinagdag pa, na ang balota at hindi ang mga bala ang sagot sa mga problema.

Ang pahayag ni Garcia ay matapos malaman ang nangyari kay Espinosa kung saan mariin ding kinondena ng Comelec ang pangyayari.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, dapat agad matukoy ang nasa likod nito upang maibigay ang agarang hustisya.

Si Espinosa na self-confessed drug lord ay binaril nitong Huwebes ng hapon, Abril 10 habang nangangampanya sa Brgy. Tinag-an sa Albuera, Leyte.

Siya ay isinugod sa ospital at hindi pa batid ang kanyang kondisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden