Home NATIONWIDE Pambansang plano inilunsad vs child, forced marriage

Pambansang plano inilunsad vs child, forced marriage

258
0

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang mga ahensya ng gobyerno sa Pilipinas upang ilunsad ang pambansang plano laban sa “harmful marriage practices,” kabilang ang child at forced marriages.

Ang National Action Plan to End Child, Early, Forced Marriages and Unions para sa 2025–2028 ay naglalaman ng mga hakbang para maiwasan at matugunan ang child marriage, palakasin ang child protection systems, at labanan ang mga nakasanayang hadlang sa pagpapatupad.

Kasama sa kolektibong pagkilos ang Council for the Welfare of Children (CWC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), United Nations Population Fund (UNFPA), UNICEF, at civil society partner na PLCPD.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bilang nangungunang tagapagpatupad ng Republic Act 11596 o Anti-Child Marriage Act, patuloy nilang poprotektahan ang mga batang nasa panganib at susuportahan ang mga napilitang ikasal sa murang edad.

Sinabi naman ni Neus Bernabeu, UNFPA Philippines Country Representative, na ang plano ay isang “lifeline” na nag-uugnay sa batas at sa realidad ng mga pinaka-nanganganib. Nakatuon sila sa pagpapatibay ng health at protection systems at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang baguhin ang social norms na nagpapatuloy sa karahasan.

Ayon kay Kyungsun Kim, UNICEF Philippines Representative, mahalagang magkaroon ng malakas na child protection systems at suportang pang-komunidad para matigil ang child marriage, maiwasan ang maagang pagbubuntis at karahasan, at matulungan ang mga bata na maabot ang kanilang buong potensyal.

Ipinapakita ang datos na sa kabila ng Anti-Child Marriage Act, 1 sa bawat 10 batang babae ay nasa panganib pa rin ng child marriage. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here