Home NATIONWIDE DA nagbabala sa labis na pagtaas ng presyo ng Noche Buena

DA nagbabala sa labis na pagtaas ng presyo ng Noche Buena

290
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga tindero na huwag taasan ang presyo ng mga Noche Buena food items nang higit sa 10%, dahil maaaring patawan ng parusa ang sobra-sobrang presyo ngayong Kapaskuhan.

Maituturing na profiteering ang malalaking taas-presyo sa mga pagkain tulad ng baboy, gulay, at manok. Ang profiteering ay may parusang P5,000 hanggang P2 milyon.

Binanggit rin na tumataas ang demand sa mga Noche Buena food ingredients habang papalapit ang Pasko, ayon sa tradisyon ng hapunan sa Christmas Eve.

Sinabi naman ni DA Assistant Secretary Jennilyn Guevarra na mas mura ng P10–P15 ang presyo ng Noche Buena food items sa Kadiwa stores sa buong bansa. Sa kasalukuyan, may 740 Kadiwa stores, karamihan ay maliit na pop-up outlets, at higit sa 100 ay regular stores.

Ang maximum Suggested Retail Price (SRP) ng sibuyas ay nanatiling P150 kada kilo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here