ANG National Green Jobs Human Resource Development Plan na makatutulong sa mga manggagawang Pilipino na makasabay sa hamon ng pagbabago ang klima tungo sa mas malinis at sustenableng ekonomiya.
Ang National Green Jobs Human Resource Development Plan ay isang mahalagang bahagi ng Philippine Development Plan 2023-2028, Labor and Employment Plan 2023-2028, ang 2025-2034 Trabaho Para sa Bayan Plan, at negosasyon sa pagbabago ng klima para sa pagpapatupad ng Paris Agreement.
Upang matiyak ang epektibong implementasyon ng plano sa pamamagitan ng whole-of-nation approach, nagpahayag ang mga stakeholder mula sa sektor ng mga employer, grupo ng manggagawa, at development partner ng kanilang matibay na pangako at suporta. Isinagawa din ang Green Jobs Pledge sa nasabing okasyon.
Nagpahayag ang International Labour Organization (ILO), sa pamamagitan ni Country Director Khalid Hassan, ng “matibay na suporta sa plano na naaayon sa mga prinsipyo ng makatarungang transisyon, na itinakda sa mga polisiya na ipinatutupad sa buong mundo.”
Sinabi ng Trade Union Congress of the Philippines, sa pamamagitan ni Rep. Raymond Democrito C. Mendoza, na ang paglulunsad ay “takda ng pagsisimula ng pangangalaga sa hinaharap ng trabaho na nagbibigay dignidad sa tao at sa integridad ng mundo.”
“Bilang katuwang sa lipunan, kami ay taos-pusong nakikiisa sa National Green Jobs Human Resource Development Plan hindi lang bilang kalahok, kung hindi bilang isang social partner na nagdadala ng interes ng manggagawa, tagapagbantay ng katarungan, at tinig para sa isang makataong kaunlaran at kalikasan,” pahayag ng Federation of Free Workers (FFW), bilang kinatawan ng sektor ng manggagawa, sa pamamagitan ng kanilang President Jose Sonny G. Matula.
Para sa sektor ng mga employer, sinabi ni Clarine P. Tobias, Gobernador ng Employers’ Confederation of the Philippines, na naaayon ang kanilang Environmental Social and Government Program sa plano ng pamahalaan na may kaugnayan sa green jobs. Sinabi rin ni Philippine Young Entrepreneurs Association National President Gio Ortiz Luis, na sila ay “handang makipagtulungan, magbahagi ng mga pananaw, at tumulong sa pagbuo ng mga programa.”






