
KUNG buong katotohanan ang sinasabi ng pamilya ni Anson Que na walang kaugnayan sa POGO ang pagpatay sa kanya, sino-sino ngayon ang mga dapat na habulin ng gobyerno sa krimeng ito?
Maalaalang natagpuan ang bangkay ni Que at driver nitong si Armani////////////e Pabillo sa isang kalsada sa Rodriguez, Rizal kamakailan lang makaraang silang dukutin sa ‘di pa tiyak na lugar sa Metro Manila.
Puno umano ng sugat at pasa ang katawan ng dalawa na tinakpan ng packing tape ang mga mukha at nakasilid sa mga plastic bag.
Hanggang ngayon, hindi binibitiwan ng Philippine National Police ang paniniwalang nauugnay sa POGO ang krimen.
Ayon naman sa Manila Times, paghihiganti sa ‘di pag-refund ni Que sa nabulilyasong POGO $20 milyon ang pinag-ugatan ng lahat.
At ang P100 milyong ransom at ang kidnap-for-ransom na pangyayari ay panligaw lang sa usapin.
Paano ngayon ang publikong pahayag ng pamilya Que na walang kinalaman sa POGO ang brutal na krimen?
Sinasabi naman ni PNP chief Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil na may lead na sila sa may gawa ng krimen ngunit hindi sila pwedeng mang-aresto hanggang hindi matitiyak na maisama ang utak sa krimen.
Ang isang tanong: Wala kayang kinalaman ang ilang pwersa ng gobyerno sa krimeng ito, kasabwat man sila o hindi sa pagdukot at pagpatay kina Que at Pabillo?
Kung matatandaan ninyo, sinabi ni Interior Secretary na maaaring kasama sa pagdukot at pagputol sa daliri ng kinidnap na Malaysian Chinese student sa Taguig ang dating mga badigard nito na ex-police at sundalo.
Mga pulis din ang may gawa ng P85 milyong robbery-extortion sa isang Tsinoy businessman sa Las Piñas City kamakailan lang din.
Dapat tingnan ang anggulong ito sa kaso nina Que at Pabillo dahil nakatatakot naman talaga kung may mga sangkot na pulis at sundalo, ex man o aktibo sa duty ang mga ito.