Home NATIONWIDE Panawagang ‘indefinite leave’ sa Senado tinanggihan ni Sen. Bato

Panawagang ‘indefinite leave’ sa Senado tinanggihan ni Sen. Bato

92
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa noong Martes, Oktubre 22 ang mga panawagan sa kanya na mag-indefinite leave of absence sa Senado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kongreso sa drug war ng Duterte administration.

Nauna nang nanawagan si Akbayan Representative Perci Cendaña sa kanya at kay Sen. Christopher “Bong” Go na mag-indefinite leave sa Senado habang iniimbestigahan ng kamara ang drug war.

“Hindi. I have to confront the liars because the public deserves to know the truth,” anang dating Philippine National Police (PNP) chief.

Parehong kinaladkad sina Dela Rosa at Go sa imbestigasyon ng quad committee (quadcomm) ng House of Representatives sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Kasabay nito, sinabi ni Dela Rosa na handa siyang dumalo sa imbestigasyon ng Senado sa war on drugs.

Maging si dating pangulong Rodrigo Duterte ay dadalo sa imbestigasyon ng Senado sa kanyang giyera kontra droga “kahit sino ang namumuno.”

Ang Senate blue ribbon subcommittee, na pamumunuan ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III, ay nagtakda ng unang pagdinig noong Lunes, Oktubre 28.

“Sinabi sa akin ng dating Pangulo na dadalo siya sa pagdinig ng Senado kahit sino ang mamumuno,” sabi ni Dela Rosa sa isang mensahe sa mga mamamahayag.

Nauna nang sinabi ni Pimentel sa mga mamamahayag na isasama ang dating pangulo sa listahan ng mga resource person na imbitado sa unang pagdinig ng panel sa susunod na linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here