Home METRO PANOORIN: Gulong ng sasakyan ng nakaalitan, binutas ng rider

PANOORIN: Gulong ng sasakyan ng nakaalitan, binutas ng rider

Binutas ng isang rider ang gulong ng isang sasakyan na tila sangkot sa alitan o road rage.

Makikita sa video na tila nagkakaroon ng argumento ang drayber ng isang L300 van at motorsiklo.

Kalaunan ay bumunot ng matulis na bagay ang rider saka tinusok ang gulong ng naturang van. Agad na umalis ang rider at naiwan naman ang L300 van na flat na ang gulong.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng rider na sangkot sa pambubutas ng gulong. RNT

Video ni @dudezkie.moto sa Tiktok

 

Previous articlePaaralan sa Cavite nakatanggap ng bomb threat mula sa ‘Hamas member’
Next articleNavotas nanguna sa sports, solid waste management programs