Home HOME BANNER STORY Panukala sa libreng board at civil service exam sa indigents, IPs, umusad...

Panukala sa libreng board at civil service exam sa indigents, IPs, umusad sa Kamara

62
0

MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang magbibigay ng libreng licensure at civil service examinations para sa mga kwalipikadong mahihirap na Pilipino at mga miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) at Indigenous Cultural Communities.

Layunin ng House Bill No. 8869 o “Free Professional Examinations Act” na alisin ang hadlang sa gastos na pumipigil sa maraming mahihirap na Pilipino na maging lisensyadong propesyonal o makapasok sa trabaho sa gobyerno.

Saklaw ng panukala ang bayad sa written examinations para sa PRC licensure exams at CSC eligibility exams.

Kinakailangan ng mga aplikante na magpakita ng certificate of indigency mula sa kanilang lokal na pamahalaan o sertipikasyon mula sa National Commission on Indigenous Peoples upang makinabang sa benepisyo, na maaaring gamitin isang beses kada taon.

Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, nagbibigay ang panukala ng pagkakataon sa mga mahihirap ngunit kwalipikadong Pilipino na makapagkaroon ng propesyon at mas maayos na kabuhayan.

“For many poor Filipinos, the problem is not lack of talent or determination. The problem is that even examination fees can already be too expensive,” ani Marcos.

Dagdag pa niya, isinusulong ng panukala ang pantay na oportunidad lalo na para sa mga nasa liblib at underserved na komunidad, at magpapalakas din ito sa workforce at serbisyo publiko ng bansa.

Bahagi ang panukala ng mas malawak na hakbang ng Kamara upang palawakin ang oportunidad sa ekonomiya at gawing mas abot-kamay ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga marginalized sector.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here