Home NATIONWIDE Panukalang magpapalawig ng termino ng barangay, SK officials aprub sa Kamara

Panukalang magpapalawig ng termino ng barangay, SK officials aprub sa Kamara

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House of Representatives nitong Lunes, Hunyo 9, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapalawig sa termino ng barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa tatlong taon ay gagawing anim na taon.

Nakatanggap ang House Bill No. 11287 ng 153 affirmative votes, apat na negative votes, at isang abstention.

Layon nitong magbigay ng transitory provision na nagbibigay sa lahat ng incumbent barangay at SK officials na nahalal noong Oktubre 30, 2023 na manatili sa opisina hanggang sa susunod na eleksyon sa Mayo 2029 kung hindi ito maaalis o masususpinde dahil sa ilang kadahilanan.

Dagdag pa, ang panukala ay nagtatakda rin ng two-term limit para sa barangay officials at one-term limit para sa SK officials.

Kung mapipirmahan bilang isang batas, isasagawa ang synchronized barangay at SK elections tuwing anim na taon o sa ikalawang Lunes ng Mayo simula sa 2029.

Ang paparating na barangay at SK elections ay isasagawa sa Disyembre 1 ngayong taon. RNT/JGC