MANILA, Philippines- Agad inaprubahan ng House Committee on Labor and Employment sa hearing nitong Huwebes ang panukalang nagsusulong ng P200 across-the-board daily wage increase.
Pinangunahan ni Rizal 4th district Rep. Fidel Nograles, committee chairman, ang hearing na tumagal lamang ng mahigit 20 minuto.
Inaprubahan ng dumalong panel members ang committee report sa unnumbered substitute bill sa House Bills (HB) No.514, 7568, at 7871, tinaguriang “Act providing for a legislated daily across-the-board increase in the salary rates of employees and workers in the private sector.”
Naganap ang pagpasa ng komite dalawang araw lamang matapoos sabihin mismo ni House Speaker Martin Romualdez na papaspasan ng kapulungan ang deliberasyon sa legislated wage increase bill.
Taong 1989 nang huling magpatupad ng wage hike measure sa bansa. RNT/SA