Home NATIONWIDE Panukalang pagsasama ng climate proofing sa Building Code pasado na sa Kamara

Panukalang pagsasama ng climate proofing sa Building Code pasado na sa Kamara

MANILA, Philippines- Sa botong 266 pabor at walang pagtutol, pasado na sa huli at ikatlong pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 8500 o ang panukalang na magbibigay mandato na isama ang climate proofing sa pagpapatayo ng mga gusali.

Sa oras na maipasa ang New Philippine Building Act ay aamyendahan nito ang dating building code na may 46 taon na, na naglalayon na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa mga panganib gaya ng sunog, lindol at iba pang weather disturbances.

“Many developments in building standards and technologies, climate change, and disaster risk reduction and management have since taken place. It’s time that we update our law under the second Marcos administration,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.

“The proposed law would set “minimum standards for the regulation of location, planning, design, construction, occupancy, maintenance, and demolition of buildings. A single life or structure we can save is more than worth the time, money, and effort we have put in keeping our building law abreast with best practices and regulations,” dagdag niya.

Nakapaloob sa panukala na ang local government units (LGUs) ay papayagan na magpasa ng kanilang sariling building ordinances subalit kailangan na nakaangkla ito sa bagong isasabatas na building code.

Sa oras na maisabatas ay ang kalihim ng Department of Public Works and Highways ang siyang magsisilbing National Building Official at chief implementer ng panukala. Gail Mendoza